ไบร์ทวิน เล่นเกมทายความลับ "Truth or Drink จริงหรือดื่ม" #คั่นกู | เพราะเราคู่กัน 2gether The Series

ไบร์ทวิน เล่นเกมทายความลับ "Truth or Drink จริงหรือดื่ม" #คั่นกู | เพราะเราคู่กัน 2gether The Series

SUBTITLE'S INFO:

Language: Filipino

Type: Human

Number of phrases: 342

Number of words: 1888

Number of symbols: 9634

DOWNLOAD SUBTITLES:

DOWNLOAD AUDIO AND VIDEO:

SUBTITLES:

Subtitles prepared by human
00:00
- Noon kasi... - Totoo! Hindi pa tapos! Hi, ako si Bright, Vachirawit Chivaaree. Hi, ako si Win, Metawin Opas-iamkajorn Kami ang bida ng 2Gether: The Series Mapapanood niyo kami tuwing Biyernes, 10 n.g. sa GMM 25. Huwag niyong kakalimutang manood. Kung di niyo naabutan, Puwede niyong panoorin ang re-run sa LINE TV tuwing 11 n.g. Okay. Kitakits. [HEEEEEEEY!!] [TEEEEKAAAAAAAA!] Okay, anong laro ang gagawin natin? RULES: MAGBIBIGAY ANG BAWAT ISA NG SIKRETO TUNGKOL SA SARILI NILA AT HUHULAAN NG KABILA KUNG TOTOO ITO O HINDI ANG MAGKAKAMALI NG SAGOT AY KAILANGANG UMINOM Gaano mo kakilala si Win? Tingin ko marami akong alam pero hindi lahat. - May alam ako pero gusto ko pang malaman 'yung iba. - Huwag na. [HUWAG KANG MAGALIT] Sa totoo lang, okay lang kung manalo o matalo ako. Mas mahalaga masaya ang mga nanonood. [Hmmmmmmmmmmmmm] Palakpakan natin si Mr. Bright Vachirawit. Simulan na natin. Gusto kong malaman kung sino ang mananalo. ROUND 1 Puwedeng malaman kung ano ito? [TOMATO JUICE] Parang alam ko kung ano ito. Tomato juice 'to, 'no? Hindi ba? -Ano ito? -Hulaan mo. -Tomato? Tomato juice? Ayoko nito. Gustong-gusto ko kaya 'yan. Mag-Jack en Poy kayo. Ang panalo siya ang una.
01:20
Alam mo? Noong nasa primary school ako gustong-gusto kong naglalaro ng football. Tapos kailangan kong pumunta sa football practice. Isang araw, kailangan kong magsuot ng football shoes. Noong nasa practice na ako, nadulas ako. Alam mo kung ano ang nangyari? Nabali 'yung binti ako. TOTOO O HINDI Hindi ako naniniwala. - Sigurado ka ba sa sagot mo? -Oo. Hindi ako naniniwala. Hindi totoo 'yon. Bakit? Hindi ko alam. Plano kong sagutin 'yung unang tanong niya ng "HINDI TOTOO" mula pa sa bahay. [HINDI NGA????] Ang tamang sagot ay... -Totoo o hindi? -Hindi. Ang totoo ay hindi 'yung binti ko ang nabali. 'Yung braso ko 'yung nabali. -Nabali 'yang braso mo? -Oo. Noong maliit ka pa? Primary school? Noong Grade 3 ako. Nakita mo ako sa Toe Laew Show, 'di ba? 'Yun 'yung unang beses kong magsuot ng pambabae. Naniniwala ka sa sinabi ko? TOTOO O HINDI Totoo. Tama. Oo. Naalala ko na nakuwento niya minsan 'yon. Oo, may nag-interview sa akin noon. Ang sabi ko iyon ang una at huling beses na magsusuot ako ng pambabae. Una at huli. Noong nakita ko itong tanong na ito, naisip ko... Ibigay na natin kay Win ito. ROUND 2 Eto naman ang "storey" ko. "Story!" Salamat. -Noon kasi... -Totoo! Hindi pa tapos! Maniniwala ka ba pag sinabi ko na umabot ako sa punto na sobrang lakas kong kumain?
02:44
-At kaya kong kumain na parang.... -Kailan ito? Noong nasa primary school ako, kailangan kong... kailangan kong.... -Hindi ako naniniwala. -Wala pa! Nagpunta ako sa England. -Sumagot na ako. -Wala pa. -'Yun na nga 'yung sagot ko! -Ayoko nang makinig. Hindi ako naniniwala. TOTOO O HINDI Hindi totoo. Pakiramdam ko hindi totoo. Naaamoy ko. Naamoy kong nagsisinungaling siya. -'Di ba? -Oo. -Kita niyo na. Naaamoy ko eh. 'Yung totoo? Gaano ka kabigat noon? 80 Kung 80 kilos ka nung nasa primary school ka, ang laking bata mo noon. Nasa Grade 10 ata ako 'nun. Noong bata pa ako Alam mo bang ayokong sumasama sa school camps? Nakipag-away pa ako sa nanay ko Gusto niyang sumama ako sa isang Buddhist camp. Ayokong sumama. -Naniniwala ka? -Hindi. Totoo. -Ano? -Totoo 'yun. KAILANGANG UMINON NI WIN Hindi, sa totoo lang, hindi lang sa Buddhist camp. Ayokong sumama sa kahit na anong camp. Kahit scout camps. Inaaway ko talaga 'yung nanay ko. Madali kang magalit, 'no? -Hindi ako madaling magalit. Ano lang... -Kailangan mo pa talagang itanong? 'Yun na nga 'yung sagot ko! Ayoko nang makinig sa iyo. Hindi ako naniniwala. Kailangan mo pa talagang itanong? Ayoko lang sumama. Matigas ang ulo ko pero hindi ako nagalit.
04:03
Hindi ako nagalit. Sabi kasi ng nanay ko... "Bright, sumali ka sa camp na ito..." [UMIINIT NA ANG ULO] "Ayoko sabi." Ganun ko sinabi. Ayoko yung mga biro niyang ganyan. ROUND 3 Ano na ang susunod? [Bitter Herbs] Ano ito? Patis? Patis Hindi! Mukha siyang patis. Amuyin mo. -Oy, gusto ko ito. Gumagawa nanay ko nito. -Gusto ko ito. Alam mo bang nakapasok na ako sa 3 Buddhist camps? -Ha? 'Yun lang? -Oo. Hindi. Hindi ako naniniwala. Seryoso. Mukha kang nagsisinungaling. Gusto kong sumagot ng "Hindi" sa mga kwento mo. Parang natutuwa siyang niloloko ako. Araw ko ngayon. Kaya nga di ako naniniwala. Mali ka. Totoo 'yun. [DI NAHAGIP NG CAMERA] [TOYO] Di ba marunong akong mag-gitara at drums? Alam mo bagong marunong din akong tumugtog ng Khlui (Thai flute)? Ano? Khlui. Khlui. Khlui. Alam mo yung Khlui? Ano sa tingin mo? -Kailan ka natutong tumugtog ng Khlui? -Bata pa ako. Sa primary school? Oo. Hindi ako naniniwala. Umm. Oo. Oo na tama o oo na mali? Hindi totoo. ROUND 4 Alam mo bang noon natae ako
05:36
Sa pantalon ko At mula sa paaralan hanggang sa bahay walang nakapansin. Ano sa tingin mo? Hindi ako naniniwala. Hindi nga? Bakit? -Pag-isipan mo. -Hindi ako naniniwala. -Hindi nga? -Um. Inumin mo. Kumusta? Maalat. Di ka na dapat nagtanong. Hindi siya maasim. Totoo 'yun. Nakatae ako sa pantalon ko habang nasa classroom. Nakakahiya kaya hindi ko sinasabi kahit kanino. Pag malaman ng mga kaibigan ko, lolokohin nila ako. Kaya umupo ako ng ganito. Hindi ako gaanong gumagalaw. Ilang taon ka nito? Grade 2. -Ibig sabihin nagsinungaling siya sa isang show? -Bakit? Sinabi niya hindi pa siya natae o naihi sa pantalon niya. Sabi niya natae siya noong bata pa siya tulad ng ibang bata pero hindi 'nung matanda na sya. 'Nung matanda na ako? -Matanda na kaya yung Grade 2. -Hindi ah. -Wala nang Grade 2 na natatae sa pantalon. -Meron. 'Yung mga kaibigan ko. Pero hindi ako. Nakakahiya 'yun kaya di ko pinaalam sa kanila. -Dinala mo yung tae sa pantalon mo pauwi sa inyo? -Oo. Alam ng nanay mo? -Hindi. Natakot ako eh. -Ikaw mismo naglinis? -Nahihiya akong sabihin kahit kanino. -Ikaw mismo ang naglinis. -Pero naghagdan pa ako. -Kailangan kong humakbang, 'di ba? May mga "steps" yun.
06:51
Tumulo siya sa binti ko. Sakto naman na nakita ng nanay ko. "Win, ano 'yang tumutulong 'yan?" Kaya nalaman ng nanay ko kung anong nangyari. Tinulungan niya akong linisin. Tapos. Huwag niyong ipagkakalat. Atin-atin lang. [PASSION FRUIT JUICE] Noong bata pa ako, matalino ako. Mahilig ako sa video games. Pag di ako nag-aaral, naglalaro ako ng video games. Mahilig ako sa DOTA noon. Dati tatlong oras lang ang tulog ko sa isang linggo. Naniniwala ka? -Sa secondary school? -Oo. Totoo. Mali. Hindi totoo. Madali lang ito. Gusto niya itong passion fruit. Mahilig ako sa video games pero mas gusto kong matulog. Hindi ako nagpupuyat . ROUND 5 [LIME JUICE] Naniniwala ka bang ginamit ko ang ipon ko para bumili ng isang bagay sa halagang 50,000 baht ($1600)? Hindi. Iinumin ko ito. Hindi ako naniniwala. Tingin ko hindi magastos si Win. Pero hindi ko alam kung ano iyon. Baka naman collectible item iyon. Ang tamang sagot ay....
08:07
Hindi totoo! -Hindi ka gumastos? -Siyempre hindi. Hindi ako magastos. Nag-usap kami kung paano niya ginagastos ang pera niya. Sabi niya hindi siya magastos. Sa pagkain lang. Noong bata ako pangarap kong maging astronaut. Totoo o hindi? Ang hirap naman. Paano malalaman iyon? Pangarap mo... Kailan.... Noong nasa primary school ka? Hindi. Secondary school? Hindi. Kindergarten? Oo. Totoo. Mali. Noong bata ako gusto kong maging scientist. Inumin mo iyan. Kailangan mo ng Vitamin C. Kontra sakit. Hindi siya maasim. Hindi siya maasim. Matamis siya. Matamis. MATAMIS! Matamis siya. Hindi maasim. ROUND 6 [TOYO] (ulit) Naniniwala ka bang naka-white boxers ako ngayon? Kung hindi ito ang iinumin, sasagot ako kahit di nag-iisip. -Ang sagot mo ay... -Hindi totoo. Hindi ako naniniwala. Hindi. Hindi. Tama. Tama ka. Yun lang. Walang nagsasabi sa iyong ipakita mo. Gusto namin!!! Ang unang naging alaga ko ay isang guinea pig. Ano 'yun? Malaking daga. Daga na ganito kalaki. Dambuhalang daga.
09:41
-Wala ka na 'nun, di ba? -Wala na. -Patay na? -Oo. Hindi totoo. Um, tama. Niceeeeeeeeeeeee Totoo siya pero hindi talaga siya daga kasi hamster siya. Mas "cute." Bakit ka nag-alaga ng hamster? Ikuwento mo. Ayoko ng alagang matalino. Alam kong natatandaan nila ako. Ayokong hinihintay nila ako. Gusto ko 'yung alaga na hindi nakakaalala sa amo nila. Para di nila ako kailangang hintayin pag umuuwi ako. ROUND 7 Naniniwala ka ba na kaya ako takot sa mga hayop Kasi nakagat ako ng pusa noong bata pa ako? Hindi natatakot ang tao sa hayop dahil lang nakagat sila ng pusa. Kahit sabihin mong totoo 'yun, hindi ako naniniwala. Ang sagot mong iyan ay....tama. Hindi ka matatakot sa mga hayop dahil lang sa kagat ng pusa. Kapag kinagat ka ng pusa, matatakot sa pusa. Hindi sa lahat ng uri ng hayop. Hindi ka takot sa hayop, di ba? Takot ako. Pero hindi sa lahat ng hayop. Hindi ako takot sa mababait na aso. Hindi ako takot doon. Tulad ng golden retrievers. Mababait 'yun. Pero hindi ibig sabihin 'nun ay takot ka sa lahat ng uri ng hayop. Puwede ka pa ring makipaglaro sa mga hayop, di ba? Natatakot pa rin. Pag may asong gala, natatakot ako. Tinutulungan ko siyang maging magiliw sa mga hayop pero ayaw niya talaga.
10:57
Ayoko talaga. Di ko gagawin 'yan. Matalino akong bata sa paaralan. Sa sobrang talino ko hindi ko nakakapag-aral sa "regular class." Kaya hinihiwalay ako ng mga guro para mag-aral. Naniniwala ka? Hinihiwalay ka? Sa ibang kuwarto. Iba pa ang pinag-aaralan ko sa inaaral ng mga kaklase ko. Ganoon ka katalino? -Um. Kailan 'to? -Primary school? Sa primary school? Hindi ako naniniwala. Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Hindi pa rin ako naniniwala. Ang tamang sagot ay... Totoo. Tawag na ako ng nanay ko. HINDI PA!!!!!!!! Seryoso ang paaralan ko noon sa mga "academic competitions." Kaya naghahanap sila ng mga estudyanteng matatalino. At nilalagay nila sa hiwalay na klase. "Gifted class" para sa "academic competitions." Hindi ako nag-aaral kasama ang mga kaibigan ko. Isang grupo sa Math Class, Science Class.... May grupo para sa English Class. Hiwalay akong nag-aaral kapag may paligsahan. Magaling ako sa maraming subject kaya marami rin akong sinasalihan. Hindi ako nakapag-aral tulad ng ibang mga estudyante. Hindi ako nakapag-aral sa isang ordinaryong klase. Tuwing umaga, kapag tinatawag na ang mga estudyante Dumidiretso ako sa "gifted class." Grabe. Hindi ako nakakapagklase nang normal. Iinumin ko ito tulad ng ginagawa ni P'Bright. Walang emosyon. Gawin mo rin ito. Ipakita mo sa camera na okay ka. Mag-OK ka rin. Sabay ngiti. Ayan. Kumusta ang laro natin ngayon?
12:24
Masaya. Masaya siya. Gusto ko ito. Salamat at nagustuhan niyo kami. Hindi! Yung laro ang pinag-uusapan natin. Natuwa kami at sana natuwa rin ang mga nanood sa amin. Sumasakit ang tiyan ko. Para masundan kami Puwede niyong i-follow ang lahat ng nakikita niyo rito May sarili ring channel and 2Gether : The Series sa LINE TV. -Mag-subscribe at mag-follow. -Maging fan. -I-tab ang fan button, okay? -Puwede niyo ring makita ang Behind the Scenes. -Oo. Behind the scenes. Behind the Scenes sa LINE TV. Paki-follow kami sa LINE TV platform. Meron din kaming original soundtrack "Tid Kub" ni P'Max Jenmana Nandoon kaming pareho sa MV. At "Kan Goo" na inawit... ko. At nandoon din kami sa MV. Tama. -Alright. Paki-follow at panoorin niyo kami. -Paalam. -Kailangan kong pumunta sa banyo.

DOWNLOAD SUBTITLES: